Victory Worship - Tanging Kailangan

Chorus / Description : The song expresses the need for God's faithfulness and presence in our lives. It highlights His greatness and assures that He is the only one we truly need.

Tanging Kailangan Lyrics


Kaya ko bang ibigay ang lahat
Kung sa sarili'y hindi na sapat
Kay raming kulang, 'di kayang punan

Laging sinusubok ang pusong pagal
Ngunit umaapaw 'Yong pagmamahal
Kay raming kulang ang 'Yong pinunan

Ngayon pa ba magdududa?
Katapatan Mo ay subok na

Ramdam Ka sa ihip ng hangin
Tanaw Ka sa bilyong mga tala
Liwanag ng buwan at araw
Ay patunay na Ika'y dakila
Gaya ng ibon sa kalangitan
Bawat kailanga'y tutugunan

Sabihin Mo lang ang Iyong salita
Handang makinig at sa 'Yo ay magtiwala
O, aking ama sa 'Yo lang aasa

Hilumin Mo ang pagdududa
Katapatan Mo ay sapat na

Ramdam Ka sa ihip ng hangin
Tanaw Ka sa bilyong mga tala
Liwanag ng buwan at araw
Ay patunay na Ika'y dakila
Gaya ng ibon sa kalangitan
Ikaw ang tanging kailangan

Panginoon Ikaw ang
Aming tanging kailangan
Walang hanggan at tunay
Ang Iyong katapatan
Panginoon Ikaw ang
Aming tanging kailangan
Walang hanggan at tunay
Ang Iyong katapatan

Gaya ng ibon sa kalangitan
Ikaw ang tanging kailangan

Aking Hesus, binigay Mo'ng lahat
Krus ng pag-ibig na higit sa sapat

Tanging Kailangan Video

  • Song: Tanging Kailangan
  • Artist(s): Victory Worship
  • Album: Homecoming
  • Release Date: 24 Mar 2024
Tanging Kailangan (feat. Keiko Necesario) Audio Preview: Download / Stream : Amazon Music / iTunes


Share: